Mataas na utos o "tall order," ang sabi ng mga obispo sa pangarap na mapalaya ang bayan sa kahirapan, at masugpo na rin ang tinutukoy na sanhi nito na siyang katiwalian sa gobyerno. Sa reaksyon ng mga prinsipe ng Simbahang Katoliko, kulang-kulang na lang sabihin nila: "Hmmp... hindi kami naniniwala diyan."
Tama o hindi, may pagkapalaisipan ang ganyang hatol dahil sa mga maimpluwensya at relihiyosong taong pinanggagalingan nito. Una sa lahat, sila'y tinuring na tagapagpalaganap ng katotohanan. Pangalawa, sila yong mga tagasulong sa usaping moralidad. Wala na rin seguro silang pag-asang tatalima pa ang mga ligaw na anak ng Diyos sa kanilang tinuturo. O sila man di'y hindi makumbinse sa sarili.
Gayun pa man, ipinangalandakan ni Presidente Benigno Aquino III sa Araw ng Kasarinlan noong Hunyo 12 na nakarating na ang bansa sa isang bagong yugto ng kalayaan. Ang natitira na lang upang ito'y maging ganap ay ang lubos-lubosang pagtigpas ng tanikala ng karukhaan na nakagapos sa marami pang kababayan.
Mahigit isang daang taon na nga ang nakakaraan nang ipahayag ng ating mga ninuno sa buong mundo, sa balkonahe ng mansyon ni Heneral Emilio Aguinaldo, ang paglaya ng Pilipinas. Ito'y sa kolonyal na paghahari ng mga Espanyol. Dalawa ang magkasalubong na agos ng kaisipan noon: ang kolonyalismo at nasyonalismo. Mukhang namangka sa una ang mga awtoridad ng simbahan.
Kung nandito pa man ang mga Kastila sa mga panahong iyon at pawang mga nakaluklok sa poder, ang akto lang na pagdeklara ng kasarinlan, ay kilos na ng pagiging isang malaya. Naitatak sa kamulatan ng bawat isa na wala nang atrasan ang pagsasarili, at paninindigan sa kalayaan ng sambayanang Filipino.
Mahalaga ang punto ng walang atrasan. Ano mang anyo ng halimaw o makapangyarihan ang humarang sa daan, tuloy! Sa pagmithi ng isang bukas na malaya sa kahirapan at korupsyon, ganito sana ang umiiral na damdamin at kaisipan, ano man ang kinakaharap na mga balakid, gaano man kalakas ang salungat na agos. Sapat nang alam ang ipinaglalaban, at pinaninindigan ang kawastohan nito.
Pero sa himig ng pananalita ng ilan, parang umuorong ang ating mga punong mananampalataya sa nasa ng pagbabago: isang yugto sa bansa ng ganap na kalayaan dahil isang bagay na nakalipas na lamang ang kahirapan at katiwalian. Parang sapat nang makaharap ang isang higanteng aninong nagngangalang "Tall Order" para itaas ang mga kamay sa pagsuko. Nawawalan na rin ba sila ng tiwala na mananaig ang kabutihan sa kasamaan?
Bumabalik ang alaala ng panahong isinisilang pa lang ang bansa ng Rebolusyong 1896, kung kailan tumahak ang simbahan ng salungat na landas. Umatras at tinalikuran ng mga pinunong Katoliko ang taumbayan. Bagkus ay nakianib sila sa mga puwersa ng kadiliman, nakipagkutsabahan sa pagpuksa ng kalayaan, at naging mga instrumento sa pagkitil ng karapatan ng mamamayan.
Mula noon hanggang ngayon, may nabago ba sa ugali ng ating mga relihiyoso na basta nalang isuko sa mga puwersa ng kadiliman ang pakipaglaban sa tama? Habang may nakasalungat na pinoprotektahang mga pansariling interes sa likod ng pangaral ng tama at mali, pababalik-balik lang ito. Makakaasa tayong paulit-ulit na bubuhusan ng malamig na tubig ng pagpapalusot at pesimismo ang sidhi ng pagnanasang makamit ang malinaw na kabutihan.
Wednesday, June 22, 2011
Daang Malaya
In search of the better life, mankind embarked on transforming the world it lives in. But despite the advancements in modern day living, we are beset with even worse problems: poverty, hunger, wars, a nuclear Armageddon hanging like the sword of Damocles, destroyed environment beyond repair, and climate change. Maybe, we need a new perspective to change the narrative. Could it be that the perfect world was the one we shouldn't have changed in the first place? Could it be that the elusive tree of life has always been In Sight.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Uncertainty Hounds As Eastern Visayas Breaks Away From The Past
BIMBO CABIDOG The people of Eastern Visayas inhabit a land rich in natural resources. The region has a vast land area. Samar alone is the ...
-
By ILIAD Of course you know this song. But if you don't, OMG you should. What about it? Bayan Ko has become a widely po...
-
BIMBO CABIDOG Life is experienced through change. It reflects things or phenomena, coming and going, in a flux. Each state turns to ...
-
Mataas na utos o "tall order," ang sabi ng mga obispo sa pangarap na mapalaya ang bayan sa kahirapan, at masugpo na rin ang tinutu...
No comments:
Post a Comment