Thursday, August 11, 2011

Ano bang pakialam natin sa krisis sa Tate?

Tinutukoy natin dito ang palalang krisis ng pagkakautang ng America at pagbagsak ng credit rating nito kailan lang. Dalawang yugto ang isinasaad ng mga nabanggit na kaganapan.

Una'y ang utang ng Estados Unidos na ngayo'y $14.3 trilyon na. Bibigyan lang natin ng diin ang salitang trilyon, at sa laki ng pigurang ito'y baka di na kayang kwentahin ng karaniwang calculator.

Umabot sa sukdulan ang paglala ng problema ng America kung saan, dahil sa mahigit $3 trilyong alkanse sa badyet ng gobyerno at pagkasaid ng pondong pampubliko, ay naminto ang kinatatakutang di pakabayad sa bayaring utang. Isang napakalaking dagok sa pinakamayamang bansa sa mundo kung mangyayari ito.

Kaagad na epekto ang kagulohang idudulot sa sistemang pampinansya ng Amerika lakip na ang buong mundo. Tataas ang interes ng pautang, mababawasan ang kita, babagal ang ekonomya, maraming kumpanya ang magsasara, milyon-milyon ang mga mawawalan ng trabaho, sweldo at malamang pa pensyon.

Sa di pakabayad ng utang ng Estados Unidos o debt default, nagbabadya ang isang dambuhalang krisis pangekonomya na raragasa sa buong mundo. Ito na rin ang puweding pagmulan ng iba pang kagulohan, tulad ng mga riot sa lansangan, at paggiwang ng katayuan ng maraming lipunan kabilang na doon ang Amerikano.

Ang lumalabas na susi ay ang pagkakaayos ng Democratic at Republican Party sa kongresong US - mababa at mataas na kapulongan, para isabatas ang kaukulang hakbang, kagaya ng pagputol sa mga gastusin ng gobyerno, at paglikom ng dagdag na pera sa pamamagitan ng mga karagdagang buwis.

Pero ang pinakakagyat na hakbang ay ang pagpasa ng resolusyong pataasin pa ang pinapayagang antas ng pagkakautang para makapangutang muli, at matostosan ang mga kakulangan.

Dito na nagkaroon ng political gridlock o aberiya. Tutol ang mga mambabatas na Republican, at sa pang-uudyok ng dulong kanang Tea Party movement, sinagkaan ng mayoryang oposisyon sa US House of Representatives ang pag-angat ng debt ceiling, at mga pangmatagalang tugon para maisaayos ang badyet.

Nagmuntik-muntikang lumagpas ang gobyerno sa taning na Agosto 2, para maisalin ang kapalit na pera para sa mga gastosin sa kwartera. Naipasa ang panukalang pagtaas sa antas ng pangungutang sa tonong apat na trilyong dolyares, halos sa nakatakdang deadline na mismo, sa makapigil hiningang pagtatapos.

Inulan ng batikos and US, partikular ang mga politikong Amerikano sa pagiging iresponsable at rekles. Isa sa nagbitiw ng maanghang na puna ang Tsina, na pinakamalaking tagapagpautang ng America at pangunahing kasosyong pangkalakalan nito. Makapanindig balahibo ang pagbitin ng mga Amerikano sa usaping utang.

Dahil sa mga nangyari, natiyak ang pagdausdos ng sovereign rating ng bansa, bilang isa na ring pagkastigo nito. Wala pang isang linggo, ibinaba ng Standard and Poor ang credit status ng US mula sa AAA hanggang  AA+.  Ito ang pangalawang yugto.

Maaring hindi lubos na napagtanto ng mga astig na Amerikano, lalong-lalo na ng mga pulitiko ang kalubhaan ng epektong dulot ng pagkawala ng tiwala ng mga mangangalakal. Mapeligro ito sa numero unong ekonomya ng mundo. Nangibabaw ang pagmamalaki, at pagkabulag sa makasariling adyenda.

Tatlong araw lang kasunod sa pagtigpas ng tripleng A rating ng Amerika, sa dumating na Lunes, sumadsad ang pamilihang Wall Street. Ito ang pinakamababang pagdayb ng halaga ng shares mula nang pampinansyang tsunami noong 2008. Agad tumawid ang katayan sa mga mayor na pamilihan sa Europa at Asya.

Ang pagkatakot sa malapit nang di-pakabayad ng America sa mga obligasyon nito, ang pagdausdos ng tiwala ng iba't-ibang sektor sa katayuang pinansyal nito, at ang pasabog na ring kalagayan ng pagkakautang ng mga bansang Europa ay patuloy na yumayanig sa mga mauunlad na ekonomya ngayon.

Sa anomang malalim pang kadahilanan, namamayagpag ang isang malalang krisis sa Estados Unidos na kinatatampokan ng malamang na pagkalusaw pampinansya  at pagkalugmok ng ekonomya nito.

Tinatanaw ng mga nabanggit na kaganapan ang isang malawakang resisyon o paghina ng produksyon at kalakalan sa pandaigdigang larangan. Isinasaad ng kaayusang globalisasyon na walang bansang ligtas.

Sa katanungang ano ba ang pakialam natin sa mga nasasabing kaganapan? Simple lang ang sagot: hindi kailanman makaiiwas tayo sa mga unos na dulot nito. Pinaguusapan nalang ang saklaw at tindi nila.

Ang paggana ng ekonomya sa bansa, o ang batayang pagtugon sa mga pangangailangan ng bawat pamilya, ay lubhang nakasalalay pa rin sa puhunang labas na nakapailalim sa pandaigdigang sistemang pampinansya. Ang pagkawindang nito ay siyang puputol sa daloy niyaon.

Dapat lang tandaan na maging ang balangkas ng pangkalahatang badyet ng gobyerno ay nagsasaad pa rin ng depisit o kakulangan sa nariyan nang pondo. Ang pagkalugi na ito'y umaabot sa daan-dang bilyong piso. Lahat ng ito'y tinutustosan ng utang na ang pinakamalaking bahagi ay utang panlabas.

Sa kabilang dako naman, patuloy na sumasandig sa dayuhang pamumuhunan ang anomang ambisyon ng pagpapalago ng ekonomya sa bansa, sampo ng mga kaakibat na kabuhayan: mapasa industriya, sektor ng serbisyo, o malawakang ekonomyang batay sa agrikultura. Yan ngayon ang nasa panganib na mawala.

Hindi naaampat ang umiiral na krisis pangkabuhayan, simula't sapol. Isa sa kongkretong mukha nito'y ang nagpapatuloy na malawakang kawalan ng trabaho, kung kaya't napakahalagang haligi ng ekonomya ang pagluluwas ng lakas paggawa sa mga banyagang lugar gaya ng Saudi Arabia, Kuwait, Dubai at Singapore.

Lubhang apektado ang merkado ng export labor o Overseas Filipino Workers (OFW) ng pagkitid at pagsadsad ng pandaigdigang ekonomya, lalo na sa mga mauunlad na lipunan. Idinudulot nito ang pagkawala ng pamilihan ng mga produkto't serbisyo, pagsara ng negosyo, at kawalan ng mapagtratrabahoan.

Nagbabadya ng malakihang disempleyo na tatama sa mga OFWs ang pag-urong ng pinansya at mga pamilihan bilang tampok na katangian ng patinding krisis pangkabuhayan sa US at buong daigdig.

Apektado rin ng husto ang kalakalang eksport ng bansa, tulad ng pagluluwas ng mga furniture, sugpo, saging, kopra, mga prinosesong pagkain, mga produktong handicraft, at iba pa. Ito'y dahil sa pagbaba ng halaga ng dolyar na nagbubunga ng pagbawas ng kita sa bentahang panlabas.

Ang pagikli ng kita sa kalakalang eksport ay maaring tuluyang magpasara ng mga kompanyang nakabase rito dahil sa hindi na pagkabayable ng kanilang negosyo. Karugtong ng ganitong kaganapan ang paglubha pa ng kawalan ng trabaho, at lalong pagkadestabilisa ng isang kalagayang palapit sa pagsabog.

Hindi dapat maliitin o balewalain ang mga hagupit ng krisis na nagsisimula palang mag-ipon ng ibayong tindi at pinsala sa darating na mga araw.

1 comment:

  1. MAHUSAY BALITA PARA SA LAHAT

    Gusto kong ipaalala sa lahat ng mga naghahanap ng internet loan na mag-ingat, may mga online scam loan sa lahat ng dako, magpapadala sila ng mga pekeng dokumento sa iyo at sasabihin nila na walang bayad, hihilingin ka nila na magbayad ng bayad sa lisensya at mga pagbabayad sa transfer, kaya maingat.

    Ang lahat ng mga pekeng nagpapahiram ay may maraming pagkakatulad na nakikita ko at inilista sa ibaba

    Karamihan sa kanila ay mayroong mga gmail account

    Ang bawat tao'y may nakakumbinsi na kapangyarihan

    Ang bawat tao'y may pekeng larawan sa profile ng isang babae na may suot na belo

    Lahat sila ay nagbibigay ng isang 2% rate ng interes

    Walang limitasyon sa halagang maaari mong hiramin

    Ang mabuting balita ay natagpuan ko ang isang wastong online lending firm. Hindi ako narito upang mangaral ngunit upang matulungan ang mga tao na makakuha ng tunay na pautang. Kung ikaw ay interesado sa pagkuha ng pautang, makipag-ugnayan lamang sa kanila (dailypayloan@yahoo.com) o padalhan ako ng personal na e-mail (zaradam@yahoo.com).

    ReplyDelete

Uncertainty Hounds As Eastern Visayas Breaks Away From The Past

  BIMBO CABIDOG The people of Eastern Visayas inhabit a land rich in natural resources. The region has a vast land area. Samar alone is the ...